TAONG NAGTAGUMPAY SA LARANGAN NG SIYENSA

Tu Youyou
Si Tu Youyou ang unang babaeng Intsik na ginawaran ng Noble Prize taong 2015 dahil sa kanyang imbensyon ng anti-malaria drugs na artemisinin at dihydroartemisinin na mula sa tradisyunal na Chinese medicine. ( Ang mga gamot na ito ay sumagip sa milyon-milyong buhay sa Asya at Africa at nakatulong sa pagpapabuti ng kalusugan ng mga taong naninirahan sa mga tropikal na lugar. )

Neil deGrasse Tyson
Si Neil deGrasse Tyson ay isang sikat na komunikeytor sa larangan ng siyensya. Siya ay isang Aprikano-Amerikanong Astrophysicist at Cosmologist na nag-aaral sa US Aerospace Industry noong taong 2001. Marami na siyang tagumpay na nakamit bilang isang Astrophysicist ngunit mas nakilala siya at ang mga gawa niya bilang isang komunikeytor ng siyensya hindi lamang sa Amerika kundi pati sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Makikita sa kanyang youtube account na malaki ang impluwensya niya hindi lamang sa larangan ng siyensa pati na rin sa sariling paniniwala at paninindigan ukol sa pagkakapantay-pantay ayon sa kulay at identidad.

Estelita Sebastian-Ong
Si Mrs. Estelita Sebastian--Ong ay isa sa mga unang estudyante na kumuha ng kursong Biochemistry sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1967. Isa sya sa mga grumadweyt bilang Summa Cum Laude. Ngayon ay nasa Estados Unidos na naninirahan at nagtatrabaho sa Salk Institute bilang isang mananaliksik. Isa din sya sa mga nagbibigay ng mga scholarships sa mga estudyante na kumukuha ng kursong Biochemistry sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Miloslav Rechcigl
Si Miloslav Rechcigl ay isang tagapagtatag at dating presidente ng Czechoslovak Society of Arts and Sciences na nagsanay bilang byokimiko, nutrisyonista at mananaliksik ng kanser, manunulat, edito, mananalaysal, bibliographer at isa ring
genealogist. Siya ay nagsagawa ng pananaliksik sa National Institutes of Health na matatagpuan sa Bethesda, Maryland. Pagkatapos niya rito ay naging mananaliksik siya sa field ng biyokemika sa laboratoryo ng biyokemika ng National Cancer Institute na isa sa labing isa na agencies na parte ng U.S. Department of health and human services. Noong 1968-1969 naman ay napili siya para sa isang taon ng pageensayo sa special USPHS executive program sa pangangasisa sa kaulusugan.
Pindutin ang icon na nais basahin
